EnglishTraditional ChineseSpanishKoreanTagalog
Tahanan
Tungkol sa Amin
Mga Balita at Pananaw
Mga Klase at Kaganapan
Mga Kasapi ng NAMI
Mga Tagapagkaloob ng Serbisyo
Balitang-Liham
Mga Tanong at Sagot
Kagimitan Para Sh Mga Pamilya
Kagimitan Para Sh Mga Pasiente
Kagimitan Para Sh Mga Veterano
Criminal Justice Resources
Recovery!
Mga Sinusuportahang Programa
Pagbabatas
Mga Katotohanan at Estadistika
Communities
 
Mga Pahayag at Kaganapan
Ang Dapat Malaman ng mga Babae Tungkol sa Depresyon
Ang mga Hispaniko at Aprikano-Amerikanong babae na nasa gitnang edad, mga kabataang Asyano-Amerikanong babae na madaling tamaan.

Ang pag-alam ng makakaya ninyo tungkol sa depresyon ay laging matalinong ideya, pero ito ay maaaring mas mahalaga para sa mga babae....
Modelo ng Paggaling Nagpapakita ng Pangako sa Pagtulong sa May Sakit sa Isip
Ang ilang programa ay nagpapakita ng malaking pangako — pero ang pagpopondo ay mabagal sa California.

Si Patrick Kaufmann ay bumagsak nang todo, pero matagal bago nangyari ito. Nagdurusa sa depresyon at nakikipaglaban sa mga delusyong schizophrenic, ang tanging gusto niyang mangyari ay gumamit ng mga droga at huwag pakialaman. Sa kabutihang palad, ang kanyang pamilya at ang isang malikhaing programa sa Michigan na batay sa nakabase-sa-paggaling na modelo ng serbisyo sa kalusugan ng isip na tinatawag na Assertive Community Treatment (ACT) ay hindi nagsawa sa kanya....
Makukuha Ba Ito ng Amerika?
Bumoto tayo para sa pagbabago. Kailan natin babaguhin ang ating pangangalaga ng kalusugan ng isip?

Ang ating sistema ng pangangalaga ng kalusugan ng isip ay magulong-magulo. Ang sistema ay hindi lamang nangangailangan ng maraming pagpopondo at pagbabago ng kayarian, panahon na para dagdagan ang halagang inilalagay natin dito. Ang kalusugan ng isip ay hindi na itinuturing na isang “naukit na.” Ito ay hindi dapat tratuhin bilang pagsasaalang-alang pagkatapos at hindi gaanong mahalaga na tulad ng ibang mga benepisyong medikal. Ang kalusugan ng isip ay kailangang tugunan nang tuwiran, mabilis, at independiyente....
Sinusubok ng NAMI California ang Anunsiyo sa 5 Wika sa BART
Ang NAMI California ay nagsimula ng kampanyang pagsubok na anunsiyo sa sistema ng San Francisco Bay Area Rapid Transit (BART) sa 5 wika (Ingles, Espanyol, Tsino, Koreano at Tagalog) upang itaas ang pagkakakilala sa NAMI California, sa ating mga kasapi at ating website. Ang mga tanda sa loob ng tren at mga tanda sa istasyon na tulad ng ipinakikita sa ibaba ay ipapakita sa mga piniling tren at istasyon sa buong Hunyo....
Bipolar Disorder Mula Sa Loob Palabas
Si Terri Cheney ay labis, labis na natatakot. Alam niya na siya ay nalulumbay. Alam niya na siya ay manic. Alam niya na papatayin niya ang sarili sa Gabi ng Pasko....
Patungo Sa Paggaling
Si Fred Frese ay isang kabataang opisyal ng Pangkat ng Marino at gradwadong estudyante nang magsimula siyang makaranas ng psychotic na delusyon ng paranoid schizophrenia. Siya ay naospital, ang unang ng magiging 11 naturang pagpapainstitusyon. Pero nagawa ring kumpletuhin ang gradwadong paaralan at nakatanggap ng doktorado sa sikolohiya mula sa Ohio University. Nag-asawa siya at nagkaroon ng apat na anak, at 12 taon pagkaraan ng unang pagpapaospital niya, siya ay naging punong psychiatrist para sa sistema ng kalusugan ng isip ng Ohio....
Mga Karapatan ng mga Pasyente ng Kalusugan ng Isip
Ang mga pasyente ng kalusugan ng isip ay may mga kaparehong karapatan sa batas na iginagarantiya sa bawat isa ng Saligang-batas at mga batas ng Estados Unidos at California. Basahin ang artikulong ito upang malaman ang tungkol sa lahat ng INYONG mga karapatan....
Mga Minoriya Humaharap sa mga Hadlang para sa Pangangalaga ng Kalusugan ng Isip
Ang mga minoriya sa Amerika ay humaharap sa matitinding pangkabuhayan, pangkultura, pangwika at pisikal na mga hadlang para sa paggamot sa sakit sa isip, mga paghihirap na pumipigil sa libu-libo na wastong magamot, alinsunod sa isang ulat noong 2002 mula sa U.S. Public Health Service. Sinabi ng pag-aaral na ang mga minoriya ay hindi mas malamang na dumanas ng sakit sa isip kaysa mga puti, may kabuuang dami ng mga sakit sa isip na namamalagi sa 1 sa 5 tao. Pero maraming salik na madalas na pumipigil sa mga itim, Hispaniko, Amerikanong Indiyan at Asyano-Amerikano na kumuha ng tulong na kailangan nila -- at kapag ginawa nila ito, ang paggamot ay maaaring hindi nakakatugon sa pamantayan o labis na huli na....
Silangang Isip at Kanlurang Isip
Ilang taon na ang nakararaan, tiningan ni Dr. Lin Fang ang isang pasyente sa Charles B. Wang Community Health Center sa Chinatown ng New York City. Ang tao, isang bagong imigranteng Tsino na mga 30 taong gulang, ay pumunta upang magpatingin sa isang doktor at nagpahayag ng limang taon ng insomnia. Dinala siya ng doktor kay Fang, isang clinician sa klinika sa kalusugan ng isip ng sentro, na mabilis na nagsuri sa tao na may depresyon--isang bagay na hindi niya noon isinaalang-alang....
Ang Pag-aaral Na Malampasan Ang Batik Mahalaga Sa Mga Pamilya
Kapag ang isang tao ay inatake sa puso, "sasabihin mo, sasabihin mo, honey, humiga ka rito. Tatawag ako ng 911," sabi ni Joyce Burland, direktor ng Sentro ng Edukasyon, Pagsasanay, at Suporta sa Kapantay sa National Alliance on Mental Illness....
Pag-aaral: mas kaunti ang may sakit sa isip sa mga imigranteng Asyano
Ang mga Asyanong imigrante ay nagdaranas ng mas mababang bilang ng mga sakit sa isip kaysa sa mga Asyanong ipinanganak sa Amerika, alinsunod sa isang ulat na inilabas kamakailan ng mga mananaliksik sa University of Washington....
Ang Alyansa ng Suporta sa Depresyon at Bipolar ay Naglunsad ng Web Site sa Wikang Espanyol
Ang Depression and Bipolar Support Alliance (DBSA) ay nagpahayag ng paglulunsad ng dbsalianza.org, ang bersiyon sa wikang Espanyol ng kanilang Web site. Ang site ay nag-aalay rin ng mahahalagang tagatulong, kabilang ang mga kasangkapan sa paggaling para sa mga indibidwal na nagsasalita ng Espanyol, suporta at impormasyon tungkol sa pamumuhay na kasama ang depresyon o bipolar disorder....
Ang Batik Ay Humahadlang Sa Mga Asyano Na Makipag-usap Tungkol Sa Sakit Sa Isip
Noong mangyari ang pamamaril sa Virginia Tech sa kamay ni Seung-Hui Cho, nakatanggap ako ng e-mail mula sa isang lalaki na nakakaalam ng sakit sa isip. Hindi ito katulad ng mga e-mail na mito ng kalunsuran na ipinadadala ng kapatid mong babae. Ito'y tunay. Pero tinatrato ito ng mga Asyano Amerikano na isang mito ng kalunsuran. Ito ang paraan na tumutugon ang maraming Asyanong Amerikano sa sakit sa isip....
Tagumpay Sa Paggamot Ng Dobleng Pagsusuri
Habang ang isang malakas na ulan ay bumabagsak isang gabi nitong nakaraang linggo sa kanyang bahay sa Oxnard, si Bryan Herrill ay gumawa ng isang bagay na hindi pa niya nagagawa sa maraming taon ng paglaban sa pagkasugapa at depression....
Subscribe to our e-newsletter
Email:
 
Ang Karamihan sa mga Taga-California ay Tumututol
Mga Pagbabago sa NAMI California -- Pebrero 2010
Mensahe Mula sa Punong Patnugot
 
Mga Pabuod na Katotohanan mula sa MHSOAC
ULAT NG MHSA
Paglahok sa Mental Health Services Act (MHSA)